A REPORTER OR RELATIONS’ OFFICER?

Windang ako, na praning pa nang mag cover ako ng hearing ni
convicted felon Romeo Jalosjos sa Hall of Justice nuong Biyernes December 28,
2007.

 

Paano kasi may isang reporter na umastang public relations
officer ni Jalosjos, kung hindi ko lang siya kilala baka napagkamalan ko pa
siyang PIO ng mga Jalosjoses.

 

Since Jalosjos was brought to

Zamboanga

City

last December 23, magiging ingrata ako kung di ko aamining nakapag-established
ako ng good rapport sa prominenteng pamilyang ito.

 

Ang totoo diyan sila ang nagbibigay ng mga impormasyon pati
ang mga hakbang na kanilang ginagawa upang patuloy na malagay sa pahayagan ang
nasabing convicted rapist.

 

Mapa-positibo o negatibo, bukas ang pamilyang Jalosjos sa
anumang interview. Sabi nga ng ilang kamag-anak tulad ni Sir Bella at Sir
Fernandez, gustong-gusto raw ni Jalosjos ang makisalamuha sa media, lalung lalo
na sa mga nagsusulat sa pahayagan.

 

Para sa akin, ang pahayagan kasi nasusulat lahat na hindi
kinukunsidera ang oras, di katulad ng telebisyon na kailangang mong sumunod sa
time requirement na minuter news maliban na lang kung isasalang ka ng live at
ang primary source.

 

Nang ma-incarcerate si Jalosjos sa San Ramon Prison and
Penal Farm Colony, bukas pa rin siya sa anumang interview pero may caution na
tulad nang iwasang magtanong laban sa gobyerno.

 

Pero nang magsampa sila ng kasong petition of Writ of Habeas
Corpus, siyempre tightlipped na dun si Jalosjos, baka kasi ma subjudice ang
kaso.

 

At lahat nang reporters mapa radio, television o pahayagan
ay nakaka-alam sa ganitong policy or rules.

 

Anyway balik tayo dun sa reporter na nauwing public
relations officer.

 

Ganito po ang nangyari:

 

We were all covering inside the sala of Presiding Judge
Jesus Carbon. After about four hours of first hearing, we were all trying to
catch up with a few quotes or sound bytes from the former solon.

 

Habulan, siksikan, eksenahan hanggang siyempre naka pwesto
ang nasabing reporter sa tabi ng dating kongresista.

 

Rumatsada na ito ng mga tanong regarding health of Jalosjos.
Go! Pagbigyan si reporter kasi naman nagpasko siyang kumo-cover ke Jalosjos and
she deserves the break.

 

Matapos niyang makunan ng pahayag si Jalosjos we thought it
was her end of interview and she was just moving around with Jalosjos as part
of video requirement, suporta sa kwento.

 

Pero pagkalabas namin sa Hall of Justice at habang
naghihintay ng sasakyan ang kampo ng kongresista akmang magtatanong na rin ang
local reporters nang biglang pumalahaw ang reporter.

 

“Media ha, bawal magtanong tungkol sa kaso ni Sir Jalosjos,
personal questions lang!”

 

Windang kami, lahat nagtinginan at medyo nabigla.

 

First time kaming naka-encounter na isang national
television reporter na umastang spokesperson ng isang convicted rapist.

 

Teka… malapit na akong umalma dun, pero ang tapik sa balikat
ng isang kasamang reporter nagpatiklop ng sungay ko nang panandalian.

 

I was thinking then who the hell is this and what nerve she
got to define rules on coverage with Jalosjos!!!

 

Sabi ng isang kasamahan, hayaan mo na siya, baka overwhelmed
lang siya sa coverage na ito.

 

Yet I insisted na hindi niya dapat tratuhin ng ganun ang
local reporters at hindi siya dapat umastang information officer ng isang
source lalung lalo na’t respetado ang pinanggalingan niyang network, especially
the provincial network na naka base sa Zamboanga City.

 

Some media friends told me “matapang yan.” Pwes wala puwang
ang tapang sa akin, pero hindi ko siya papatulan sa tapang, sa etiketa ko siya
bubutasan.

 

Marami na rin akong naranasan na nakakawindang na pamamaraan
ng coverage ng ilang television reporters.

 

Yung bang pag pinapanood mo sila sa television akala mo sila
na ang magagaling pero kapag nakasama mo sa trabaho, masahol pa sila sa ibang
nagpapanggap na journalists sa local level.

 

Pasalamat sila dahil may pangalan silang kakabit ng kanilang
imahe, pero kung ako sa kanila, hindi mahalaga ang imahe kung hindi naman
sinusunod sa tamang paraan ang “proper observance and practice of code of
ethics in journalism.”

 

Leave a Reply